Jimmy Alcantara (After Edsa) | ||
Michael and I were meant to be together.Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng french bread, pan de sal at pan de coo, at kung minsan sa bawat bilog, lapad at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at makulimlim na agosto, magkasama kaming "lumaya" sa Agusan del Norte. Limang libo, trancript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang Maynila. Pagkatapos ng anim na taon ng iba't ibang komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng quezon City kami umupa ng apartment-dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami s lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono. Aking ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin ito, kanya 'yun. At pag naghiwalay kami, siyempre naman, kanya-kanyang hula ng gamit. Malabo ang relasyon namin-magkaibigan, mag-asawa, magsyota, magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami apektado kung di man ma-define ang relasyon namin. Yuppy ang gimik ni mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawlan ako ng trabaho. Huwag na anting pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang "nahihibang" na production designer. Masisira raw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko. Kapag ganitong wla akong trabaho, solo ko siyempre ang mga gawaing bahay. Linis, luto, laba, plantsa. Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa harap ng pinagbuhusan ko ng atnsiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange juice, nagbubuntung-hininga si Mike at, "sa init ngayon, natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador." Napangiti ao. Ito na ang pagkakataon para soorpresahin si Mike. No, di ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya. Madrama ang pula, may landi. Minsan morbid perso kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref. Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet aluminum paint. Di ko alam kung pwede 'yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid. Kaya pagpask ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko na ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang likido ayon sa direksyon. At binanatan ko na. Ang ganda ng kinalabsan. Perfect ang first coatinh. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa ref. Naaliw ako ng husto s aginawa ko, kaya di ko na hinitay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating. Suinimulankong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago na ang mukha ng kusina-intense. Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles kung baga. Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. dali-dali kong hinarap ang nangungupas na lampshade, ang miniature na modelo ng eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay. Naa-addict na ako sa ginagawa ko. pero nang makita ko ang itsure ng pinto ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito. Pagkatapos ng pinto, naisip ko: "Ayoko na, tama na." Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pala, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. And dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy sa silver. Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa saliwang sapatos long de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos-sa isang paa lnag. Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe. Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado akong huminto-sa sandaling lagyan ng glamour ang mg athor pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I'm sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko alam kng iyon ay dahil sa kalidad ng pintura o ng rug. Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attché cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at piniturahan ko ang mga pas, ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko ang pinto. Di si Mike. "Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? galing sa isang joan." Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin at nagtatakbo itong humihiyaw. Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibaay sa bagong personalidad ng bahay, bumukas ang pinto ng bumulaga si Mike. "Ipagpaumanhin ninyo," sabi niya, "nagkamali ako. Akala ko'y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko." Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya. "Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref mo'y iba na?" Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon niya. aalis na raw siya at di sigurado kug babalik-pero di pa siya makaalis kasi'y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya. "Totoo ngang nababaliw ka na. Sabi mo'y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana'y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa." Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinitahan ko ang mga luha niya ng pula. naubos ang laman ng lata. |
Tuesday, November 6, 2012
Red ang Luha Ni Michael
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment