Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Tuesday, January 15, 2013

Blue Ang Kobrekama ni Jake

 (Jimmy I. Alcantara) Sequel to Red and Luha ni Michael
Wala nang palabas sa TV nang dumating si Michael. Lagi lagi na lang siyang gantong oras kung umuwi. Hindi ko naman siya maaway- siya ang padre de pamilya.
    Lagi-lagi na lang siyang umaga kung umuwi. Hindi na nya napapansin na every other day ay iniiba ko ang ayos ng sala niya, ang lugar ng mini-component nya, ang bedsheets at pillow cases nya.
    Gusto ko siyang awayin pero nasa ibaba pa siya, at nagkakalampagan ang mga plato at mga kubyertos. Hindi pa siya kumakain, isip isip ko. May nabasag na isang baso, isang plato. Binaba ko siya- hawak niya ang refrigerator. Wala akong masabi, iyak siya ng iyak.
    "Mike, kumain ka na, ipinagluto kita ng tinola. Hindi niya ako pinapansin, kumuha siya ng kutsilyo at sinubukang bakbakin ang balat ng ref. Hindi pa siya nakuntentyo. Humanap sya ng sandpaper at kiniskis sa ang pinto nito. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko ang kutsilyo at ang sandpaper. Dinala ko siya sa sala; amoy alak si Michael. Sabi niya: "Bukas aayusin natin ang kulay ng bahay. Ayoko ng gantong buhay."
    Niyakap ko siya. Noong isang buwan bumili ako ng pintura sa Cubao. Sa gusto kong pasayahin at sorpresahin siya, pinintahan ko ng pula ang ref. Nakakapraning ang amoy ng scarlet Aluminium paint kaya pati ang cupboard, lababo, lampshade, airport hanggang sa ceiling fan at TV pinasadahan ko rin. Mike, hindi na uli ako bibili ng pulang pintura. Kahit ngayon na wala nang laman ang lata. Wala nang laman ang lata, Mike naririnig mo ba?
    Bago sya nahiga ay pinunasan ko siya. Habang pinapahiran ko ng pulbos ang dibdib niya ay sinabi kong nakakalungkot ang maghapong mag-isa sa bahay. Umasim ang mukha ni Mike pero hindi niya pinahalata. Hindi kami pwedeng magkaanak. Baog si Mike. at Flip naman ako. Parusa ng Diyos sa amin. Mag si-six years na kameng live-in pero wala pa rin kaming balak magpakasal.
    Kinabukasan sa harap ng almusal ay sinabi niya. "Ampon tayo, gusto mo?"
    "Gusto mo?" sabi ko.
    Tumango siya, "Sige, ampon tayo."
    Hindi makaksama si Mike ng araw na kukunin ko ang bata. May projects sila sa opisina at kailangang nandoon siya sa presentation nito. Ako ang nag-drive sa kanya pagpasok niya. Dumiretso ako sa Quezon city.
    Hindi kalakihan ang ampunan pero malinis at de-aircon. Kinausap ko ang namamahala. Sandali lang at binigay na ang bata at iniwan ang inaasahang iiwan ko. Inilagay ko ang bata sa gilid ko. Sa bahay, inihiga ko siya sa matagal nang nakahandang kama para sa kanya. Blue ang kulay ng kobrekama.
    Cute na cute ang baby- kulot ang buhok niya at ang taba- ang sarap sarap pisilin. Maputi siya, parang si Michael. Matutuwa si Mike sa anak niya, lalake kasi tulad ng gusto niya.
    Ano ang ipapangalan namin sayo baby? GUsto mo ba ng Jake? Kami na ang mga magulang mo, baby. Palalakihin ka namin, pagaaralin ka namin. Tanggapin mo, kami na ang mga magulang mo. Isipin mo mula ka sa amin. Palpak kasi kami. Oo syempre naman anak, mahal ka namin.
    Umiiyak na ang bata, gutom na siguro. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay sa kanya. Hindi man lang niya nakalahati ang bote. Gusto lang sigurong maglambing. Kinarga ko siya, inugoy ugoy ko at huminto siya sa pag-iyak. Nakakatulog na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na si Mike. Dali dali kong inilapag ang bata sa kama at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mike.
    "Mike! Mike! Nandito na ang bata. Kamukha mo, halika, tiyak na matutuwa ka!"
    Nagmamadaling pumanhik si Mike. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Tuwang tuwa si Mike. Sa tuwa niya, naiyak siya. Lumabas siya ng kuwarto at nagkulong sa CR.
    Inabot si Mike ng dalawang oras sa toilet. Na-upset siguro siya dahil ang batang iyon ang isang palatandaan ng mga pagkukulang namin bilang magasawa.
    Pero, eto na ang bata, Mike. E ano kung hindi siya sa atin? Sa atin na siya ngayon. Anak na natin siya. Magulang na niya tayo.
    Hindi kumain ng hapunan si Mike. Hindi ko rin siya namalayan nang humiga siya sa kama. Nagising nalang ako sa pagbali-balikwas niya. Gising si Mike at ayaw niyang magsalita.
    Nararamdaman kong umiiyak na ang bata. Akmang tatayo ako nang nagsalita si Mike.
    "Ricky isoli mo siya, hindi natin kailangn ng kasama."
    Hindi ko siya iniintindi. Nagdadrama nanaman si Mike.
    "Nagugutom na ang anak mo. Heto ang unan mo. 'Wag mo nang pasakitin ang iyong ulo, bukas maguusap tayo."
    Binuksan ko ang ilaw at lumipat sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ko siya. Tuyo pa rin ang lampin niya. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay ko ito sa kanya. Binuhat ko siya, inilagay sa dibdib ko at inugoy-ugoy.
    Nakatitig si Mike, umaapoy ang mata.
    "Bagay na bagay sa iyo, para kang tarantado."
    "Ano ba ang problema, Mike? Di ba sabi mo'y okay ang bata sa bahay? Ngayon, bakit ka nag-iingay?"
    Galit na galit na si Mike, nagbabanta na. Ayos na raw ang mga maleta niya, at ngayon tiyak nang aalis siya. Nagmumura na si Mike. Natatakot na ako sa kanya. Diyos ko, huwag mong sabihing nababaliw na rin si Mike, huwag mong sabihing nahawaan ko na siya. Diyos ko, tama na ang isang flip sa panilya. Tumayo si Mike, nagbabasag na ng gamit. Ibinato niya doon, ang iyon dito. Hagis ng ano, pukol ng ano. Kipkip ko ang baby ko ng tumatakbo ako palabas ng kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya sa baby ko. Lumipad ako papunta sa guest room. Humabol si Mike, pero naging mas mabilis ako sa kanya. Ini-lock ko ang pinto. Tinawag ko ang lahat ng santong kakilala ko para kalmahin si Mike. Itinulak niya ang pinto. Madaling bumigay ang binubukbok na pinto. Sa lakas ng pagkakasalya ni Mike ay muntik nang magiba ng dingding at haligi ng bahay.
    Surrender na ako, Mike, do whatever you want.
    BUmukas ang pinto. Umaapoy pa rin ang mga mata ni Mike. Pero ano ito? Umiiyak na sa galit si Mike.
    "This is it! I've had it Ricky. Hindi na ito anxiety, this insanity"
    Hindi ko siya mainitindihan, magaling na ako. THere's nothing wrong with me.Si Mike ang nababaliw. Yakap-yakap ko ang baby ko. Nalilito ako. Anong nangyayari satin Michael?
    Kinuha ni Mike ang anak ko. ayoko! Huwag mo siyang gagalawin, bata pa siya, wala pa siyang alam. Ihahagis niya ang baby ko. Huwag! Huwag Mike!!!
Mamamatay ang bata!! Ibinato niya ang anak ko sa sahig.
    Mike, hayop ka! Pag namatay ang baby ko, sino pa ang kasama ko sa bahay mo?
    "Tatawagan ko si Marvin. Were both taking you in," ang sabi ng walang pusong si Mike. Lumabas siya.
    Pinuntahan ko ang anak ko. Gas gas ang mukha. Dumilat ka, baby. Sabihin mong mahal mo ang daddy. Niyakap ko sya. Dumilat ka baby, say how much you love your daddy. Hinimas ko ang likod niya- Labas ang buto. Hindi, may kung anong lumawit lang.
    Nangiti ako. Ibinalik ko ang baterya sa dating ayos.**

No comments:

Post a Comment